Sabi ko nga madalas sa mga malapit sa akin, lahat naman tayo maganda eh, depende nga lang kung sino ang katabi mo o natabi sa 'yo.

Hindi naman kasalanang maging pangit,  Matammi pa namang ibang traits na pwedeng i-describe sa'yo kung pangit ka eh. Di ba nga di naman binibigay ni Lord lahat ng aganda sa isang tao. Meron jan, mabait, may work, may syota kahit pangit pero ang downside, eh irresponsable (tabbrrraaaakkkk... ay dapat pala bumusina ako) Meron din naman mayaman, gwapo, may kotse, mtangkad, single, nga lang, alang trabaho tas 30 anyos na. (ok lang malayo naman, di nya to maiintindihan..heheheh).

Sabi nga ni Andre E. ,"Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay" so sinunod ko sya this time around. Nga naman di ba, "iwanan ka man ng pangit, hindi ka iiyak".  Hindi nga ako umiiyak dahil sa pangit na yun, nga lang ang nakaka-awa lang ang mga pangit na yan.  Mabigyan ng oportunidad na makadawit ng magandang kapareha eh umangat na uri nya! O sya, matalino ka nga, professional ka, may Kangkaroo, mabango naman (dapat naman noh, pangit ka na nga, baho ka pa? 'Ba Yun?!?!) pero kung ganyan namang ugali mo aba eh, you deserve the term "pangit". Kung bakit naman kasi nabigyan ka lang ng grasya, you take it for granted  pa? Kaya ka pumapangit eh. Hindi naman sa nag fi-feeling maganda, sadya lang talagang malakas ang dating, alaga ka naman kahit ano pa hitsura mo, ano pa ba habol mo?

Sige tama ngang di ka iiyak sa pangit, di lang sinabi ni Andrew na kaya kang saktan ng pangit... had I known... pero sabagay tao rin sila kaya capable sila nun, whatever state they are in pa. Kaya nga sila asa pangit level, eh kasi pangit na hitsura nila, binack up-an pa sila ng pangit na ugali. Sad...so sad! :( Buti na lang hindi ako pangit!